Noong
panahong iyon, sinabi ni Hesus sa kanyang mga alagad, "Huwag ninyong
hatulan ang inyong kapwa, upang hindi kayo hatulan ng Diyos. Sapagkat hahatulan
kayo ng Diyos ayon sa hatol na inihahatol ninyo sa iba. Ang panukat ninyo sa
iba ay siya ring ipanunukat sa inyo.
Bakit
mo nakikita ang puwing sa mata ng iyong kapatid, ngunit hindi mo pinapansin ang
puwing mong gatahilan sa iyong mata? Paano mong masasabi sa iyong kapatid,
'Halika't aalisin ko ang puwing mo,' gayong gatahilan ang nasa mata mo?
Mapagpaimbabaw! Alisin mo muna ang puwing na gatahilan at sa gayo'y makakikita
kang mabuti at maaalis mo ang puwing ng iyong kapatid."
No comments:
Post a Comment