Sumagot si Hesus, “Tatanungin ko rin kayo. Pag sinagot ninyo ako, saka ko naman sasabihin sa inyo kung ano ang karapatan kong gumawa ng mga bagay na ito. Kanino nagmula ang karapatan ni Juan upang magbinyag – sa Diyos ba o sa mga tao?” At sila’y nag-usap-usap: “Kung sabihin nating mula sa Diyos, itatanong naman niya sa atin, ‘Bakit hindi ninyo siya pinaniwalaan?’
Ngunit kung sabihin nating mula
sa tao,” natatakot naman sila at baka kung ano ang gawin sa kanila ng mga tao,
sapagkat kinikilala ng lahat na si Juan ay isang propeta. Kaya’t sumagot sila
kay Hesus, “Hindi namin alam!” Sinabi ni Hesus sa kanila, “Hindi ko rin
sasabihin sa inyo kung ano ang karapatan kong gumawa ng mga ginawa ko.”
No comments:
Post a Comment