Noong panahong iyon, sinabi ni
Hesus sa kanyang mga alagad: "Marami pa akong sasabihin sa inyo, ngunit
hindi pa ninyo kayang unawain ngayon. Pagdating ng Espiritu ng katotohanan,
tutulungan niya kayo upang maunawaan ang buong katotohanan.
Sapagkat magsasalita siya hindi
sa ganang kanyang sarili; sasabihin niya sa inyo ang kanyang narinig, at ipapahayag
ang mga bagay na darating. Pararangalan niya ako, sapagkat sa akin magmumula
ang ipapahayag niya sa inyo. Ang lahat ng sa Ama ay akin; kaya ko sinabing sa
akin magmumula ang ipapahayag niya sa inyo."
No comments:
Post a Comment