Please join My Reflections' Facebook Group

Monday, May 15, 2023

Ang Mabuting Balita sa Mayo 16, Martes sa Ikaanim na Linggo ng Pasko ng Muling Pagkabuhay: Juan 16:5 -11


Mabuting Balita: Juan
16:5-11
Noong panahong iyon, sinabi ni Jesus sa kanyang mga alagad: "Ngayo'y paroroon na ako sa nagsugo sa akin. Wala isa man sa inyong nagtatanong sa akin kung saan ako pupunta. At ngayong sabihin ko sa inyo, natigib kayo ng kalungkutan. Ngunit dapat ninyong malaman ang katotohanan: ang pag-alis ko'y sa ikabubuti ninyo, sapagkat hindi paparito sa inyo ang patnubay kung hindi ako aalis. 

Ngunit kung umalis ako, susuguin ko siya sa inyo. Pagdating niya ay kanyang patutunayan sa mga tao sa sanlibutan na mali ang pagkakilala nila sa kasalanan, at ipakikilala niya kung ano ang matuwid, at kung ano ang kahatulan. Mali sila tungkol sa kasalanan, sapagkat hindi sila nanalig sa akin; tungkol sa matuwid, sapagkat ako'y paroroon sa Ama at hindi na ninyo makikita; tungkol sa kahatulan, sapagkat hinatulan na ang pinuno ng sanlibutang ito."

No comments:

Post a Comment