Ang mula sa
itaas ay dakila sa lahat; ang mula sa lupa ay taga lupa at nagsasalita tungkol
sa mga bagay sa lupa. Ang mula sa langit ay dakila sa lahat. Pinatototohanan
niya ang kanyang nakita at narinig, ngunit walang maniwala sa kanyang patotoo.
Ang naniniwala sa kanyang patotoo ay nagpapatunay na tapat ang Diyos.
Sapagkat ang
sinugo ng Diyos ay nagpapahayag ng salita ng Diyos; at walang sukat ang kanyang
pagkakaloob ng Espiritu Santo. Minamahal ng Ama ang Anak, at ibinigay sa kanya
ang kapamahalaan ng lahat ng bagay. Ang nananalig sa Anak ay may buhay na
walang hanggan; ngunit ang hindi tumatalima sa Anak, hindi magkakaroon ng buhay
-- mananatili sa kanya ang poot ng Diyos.
No comments:
Post a Comment