Gayon na
lamang ang pag-ibig ng Diyos sa sanlibutan, kaya ibinigay niya ang kanyang
bugtong na Anak, upang ang sumampalataya sa kanya ay hindi mapahamak, kundi
magkaroon ng buhay na walang hanggan. Sapagkat sinugo ng Diyos ang kanyang
Anak, hindi upang hatulang maparusahan ang sanlibutan, kundi upang iligtas ito
sa pamamagitan niya.
"Hindi hinahatulang maparusahan ang nananampalataya sa Anak ng Diyos; ngunit hinatulan nang parusahan ang hindi nananampalataya sa kanya. Hinatulan sila sapagkat naparito sa sanlibutan ang ilaw, ngunit inibig pa ng tao ang dilim kaysa liwanag, sapagkat masama ang kanilang mga gawa.
Ang gumagawa ng masama ay ayaw sa ilaw, at hindi lumalapit dito upang hindi mahayag ang kanyang mga gawa. Ngunit ang namumuhay sa katotohanan ay lumalapit sa ilaw; sa gayon, nahahayag na ang kanyang mga ginagawa'y pagsunod sa Diyos.
No comments:
Post a Comment