Please join My Reflections' Facebook Group

Sunday, April 16, 2023

Ang Mabuting Balita sa Abril 17, Lunes sa Ikalawang Linggo ng Pasko ng Muling Pagkabuhay: Juan 3:1-8


Mabuting Balita: Juan 3:1-8
May isang Pariseo at pinuno ng mga Judio, na nagngangalang Nicodemo. Isang gabi, siya'y nagsadya kay Jesus, "Rabi," sabi niya, "nalalaman po naming kayo'y isang gurong mula sa Diyos, sapagkat walang makagagawa ng mga kababalaghang ginagawa ninyo malibang sumasakanya ang Diyos." 

Sumagot si Jesus, "Sinasabi ko sa inyo: maliban na ipanganak na muli ang isang tao, hindi siya paghaharian ng Diyos." Paano pong maiipanganganak na muli ang isang tao kung matanda na siya? Makapapasok pa ba siya sa tiyan ng kanyang ina para ipanganak uli?" tanong ni Nicodemo. 

"Sinasabi ko sa inyo," ani Jesus, "maliban na ang tao'y ipanganak sa tubig at Espiritu, hindi siya paghaharian ng Diyos. Ang ipinanganak sa laman ay laman, at ang ipinanganak sa Espiritu ay espiritu. Huwag kayong magtaka sa sinabi ko sa inyo, 'Lahat ay kailangang ipanganak na muli.' Umihip ang hangin kung saan ibig at naririnig ninyo ang ugong nito, ngunit hindi ninyo alam kung saan nanggagaling at kung saan naparoroon. Gayun din ang bawat ipinanganak sa Espiritu."

No comments:

Post a Comment