Lumapit kay Hesus ang asawa ni Zebedeo, kasama ang kanyang mga anak. May ibig siyang hilingin, kaya’t lumuhod siya sa harapan ni Hesus. “Ano ang ibig mo?” tanong ni Hesus. Sumagot siya, “Sana’y ipagkaloob ninyo sa dalawa kong anak na ito ang karapatan na makaupong katabi ninyo sa inyong kaharian – isa sa kanan at isa sa kaliwa.”
“Hindi ninyo nalalaman ang inyong hinihingi,” sabi ni Hesus sa kanila. “Makakainom ba kayo sa kopa ng hirap ko?” “Opo”, tugon nila. Sinabi ni Hesus “Ang kopa ng hirap ko ay maiinom nga ninyo. Ngunit wala sa akin ang pagpapasiya kung sino ang mauupo sa aking kanan at sa aking kaliwa. Ang mga luklukang sinasabi ninyo’y para sa mga pinaghandaan ng aking Ama.” Nang marinig ito ng sampung alagad, nagalit sila sa magkapatid.
Kaya’t
pinalapit sila ni Hesus at sinabi sa kanila, “Alam ninyo na ang mga pinuno ng
mga Hentil ay naghahari sa kanila, at ang mga dinadakila ang siyang nasusunod.
Ngunit hindi ganyan ang dapat na umiral sa inyo. Sa halip, ang sinuman sa inyo
na ibig maging dakila ay dapat maging lingkod. Ang sinumang ibig maging pinuno
ay dapat maging alipin ninyo, tulad ng Anak ng Tao na naparito, hindi upang
paglingkuran kundi upang maglingkod at ialay ang kanyang buhay upang matubos
ang marami.”
No comments:
Post a Comment