Please join My Reflections' Facebook Group

Thursday, March 16, 2023

Ang Mabuting Balita para Marso 17, Biyernes sa Ikatlong Linggo ng Apatnapung Araw na Paghahanda: Marcos 12:28-34


Mabuting Balita: Marcos 12:28-34
Noong panahong iyon, lumapit ang isa sa mga eskriba kay Hesus at tinanong siya, "Alin pong utos ang pinakamahalaga?" Sumagot si Jesus, "Ito ang pinakamahalagang utos, 'Pakinggan mo, Israel! Ang Panginoon na ating Diyos -- siya lamang ang Panginoon. Ibigin mo ang Panginoon mong Diyos nang buong puso, nang buong kaluluwa, nang buong pag-iisip, at nang buong lakas.' Ito naman ang pangalawa, 'Ibigin mo ang iyong kapwa gaya ng iyong sarili.' Wala nang ibang utos na hihigit pa sa mga ito."  

 "Tama po, Guro!" wika ng eskriba. "Totoo ang sinabi ninyo. Iisa ang Diyos at wala nang iba liban sa kanya. At ang umibig sa kanya nang buong puso, buong pag-iisip, at buong lakas, at ang umibig sa kapwa gaya nang kanyang sarili ay higit na mahalaga kaysa magdala ng lahat ng handog na susunugin, at iba pang mga hain." Nakita ni Jesus na matalino ang kanyang sagot, kaya't sinabi niya, "Malapit ka nang mapabilang sa mga pinaghaharian ng Diyos." At wala nang nangahas magtanong kay Jesus mula noon.

No comments:

Post a Comment