Please join My Reflections' Facebook Group

Wednesday, January 18, 2023

Ang Mabuting Balita para sa Linggo Enero 22, Ikatlong Linggo sa Karaniwang Panahon: Mateo 4:12-23


Mabuting Balita: Mateo 4:12-23
Noong panahong iyon, nabalitaan ni Hesus na ibinilanggo si Juan, kaya’t bumalik siya sa Galilea. Ngunit hindi na siya sa Nazaret nanirahan kundi sa Capernaum. Ang bayang ito ay nasa baybayin ng Lawa ng Galilea, sa mga hangganan ng Zabulon at Neftali. Sa gayo’y natupad ang sinabi ni Propeta Isaias:

“Ang lupain ng Zabulon at lupain ng Neftali daanan sa gawing dagat sa ibayo ng Jordan, Galilea ng mga Hentil! Itong bayang nag-apuhap sa gitna ng kadiliman sa wakas ay nakakita ng maningning niyang ilaw!

Liwanag na taglay nito’y siya ngayong tumatanglaw sa lahat ng nalugami sa lilim ng kamatayan!” Magmula noon ay nangaral na si Hesus. Ang sabi niya, Pagsisihan ninyo’t talikdan ang inyong mga kasalanan, sapagkat malapit nang maghari ang Diyos.”

Sa paglalakad ni Jesus sa pampang ng lawa ng Galilea, nakita niya ang  magkapatid na Simon na tinawag na Pedro at Andres na naghahagis ng mga lambat dahil mga mangingisda sila. Sinabi niya sa kanila: “Halikayo, sumunod kayo sa akin, at gagawin ko kayong mangingisda ng tao.”

Agad nilang iniwan ang kanilang mga lambat at sumunod sa kanya. Nagpatuloy siya sa paglakad at nakita naman niya ang magkapatid na Jaime at Juan na mga anak ni Zebedeo. Nasa bangka sila kasama ng kanilang amang si Zebedeo at nagsusursi ng kanilang lambat.

Tinawag sila ni Jesus. 22 Agad nilang iniwan ang bangka nila at ang kanilang ama, at nag-simulang sumunod sa kanya. Nilibot ni Hesus ang buong Galilea. Nagtuturo sa mga sinagoga at ipinangangaral ang Mabuting Balita tungkol sa paghahari ng Diyos. Pinagaling din niya ang mga tao sa kanilang mga sakit at karamdaman.

No comments:

Post a Comment