Nagpipilit silang makapasok sa bahay upang mailagay sa harapan ni Hesus ang maysakit, subalit wala silang maraanan dahil sa dami ng tao. Kaya’t umakyat sila sa bubungan at binutas iyon, saka inihugos sa harapan ni Hesus ang paralitikong nasa higaan. Nang makita ni hesus kung gaano kalaki ang kanilang pananalig, sinabi niya sa paralitiko, “Kaibigan, pinatatawad ka na sa iyong mga kasalanan.”
Sa loob-loob ng mga eskriba’t Pariseo: “Sino itong nagsasalita ng kalapastanganan sa Diyos? Hindi ba’t Diyos lamang ang makapagpapatawad ng mga kasalanan?” Ngunit batid ni Hesus ang kanilang iniisip, kaya’t sinagot niya sila, “Bakit kayo nag-iisip ng ganyan? Alin ba ang lalong madali: ang sabihin sa paralitiko ‘Pinatatawad ka na sa iyong mga kasalanan’ o ang sabihing ‘Tumindig ka at lumakad’? Patutunayan ko sa inyo ang Anak ng Tao ay may kapangyarihan dito sa lupa na magpatawad ng mga kasalanan.”
At
sinabi niya sa paralitiko, “Iniuutos ko: tumindig ka, dalhin mo ang iyong
higaan at umuwi ka!” Pagdaka’y tumindig ang tao sa harapan ng lahat, binuhat
ang kanyang higaan at umuwing nagpupuri sa Diyos. Nanggilalas sila at tigib ng
takot na nagpuri sa Diyos. “Nakakita kami ngayon ng mga kahanga-hangang bagay!”
wika nila.
No comments:
Post a Comment