Noong
panahong iyon, samantalang naglalakad sina Hesus at ang kanyang mga alagad, may
taong nagsabi kay Hesus, “Susunod po ako sa inyo kahit saan.” Sumagot si Hesus,
“May lungga ang asong-gubat at may pugad ang ibon, ngunit ang Anak ng Tao’y
wala man lamang matulugan o mapagpahingahan.” Sinabi ni Hesus sa isa, “Sumunod
ka sa akin.” Ngunit sumagot ang tao, “Panginoon, hayaan po muna ninyo akong
umuwi upang ipalibing ang akin ama.”
Sinabi
ni Hesus sa kanya, “Ipaubaya mo na sa mga patay ang paglilibing ng kanilang mga
patay. Ngunit ikaw, humayo ka at ipahayag mo ang tungkol sa paghahari ng
Diyos.” Sinabi naman ng isa, “Susunod po ako sa inyo, Panginoon, ngunit
magpapaalam muna ako sa aking mga kasambahay.” Sinabi sa kanya ni Hesus, “Ang
sinumang nag-aararo at palaging lumilingon ay hindi karapat-dapat sa paghahari
ng Diyos.”
No comments:
Post a Comment