Muli siyang nagsugo ng ibang mga alipin at kanyang pinagbilinan, 'Sabihin ninyo sa mga inanyayahan na naihanda ko na ang aking piging: napatay na ang aking mga baka at mga pinatabang guya, at handa na ang lahat ng bagay. Halina kayo sa piging!' Ngunit hindi ito pinansin ng mga inanyayahan. Humayo sila sa kani-kanilang lakad; ang isa'y sa kanyang bukid at sa kanyang pangangalakal naman ang isa.
Sinunggaban naman ng iba ang mga alipin hinamak at pinatay. Galit na galit ang hari, Pinaparoon niya ang kanyang mga kawal, ipinapuksa ang mga mamamatay-taong iyon at ipinasunog ang kanilang lunsod. Sinabi niya sa kanyang mga alipin, 'Nakahanda na ang piging, ngunit hindi karapat-dapat ang inanyayahan.
Kaya't pumunta kayo sa mga lansangang matao, at inyong anyayahan sa kasalan ang lahat ng makita ninyo.' Lumabas nga sa mga pangunahing lansangan ang mga alipin at isinama ang lahat ng natagpuan, masasama't mabubuti, anupa't napuno ng mga panauhin ang bulwagang pangkasalan.
"Pumasok
ang hari upang tingnan ang mga panauhin, at nakita niya roon ang isang taong
hindi nakadamit pangkasalan. 'Kaibigan, bakit ka pumasok dito nang hindi
nakadamit pangkasalan?' tanong niya. Hindi nakaimik ang tao. Kaya't sinabi ng
hari sa mga katulong, 'Gapusin ninyo ang kanyang kamay at paa at itapon siya sa
kadiliman sa labas. Doo'y mananangis siya at magngangalit ang kanyang ngipin.'
Sapagkat marami ang tinatawag, ngunit kakaunti ang nahihirang."
No comments:
Post a Comment