Please join My Reflections' Facebook Group

Wednesday, July 06, 2022

Ang Mabuting Balita Hulyo 9 Sabado ng Ika-14 na Linggo sa Karaniwang Panahon: Mateo 10:24-33


Mabuting Balita: Mateo 10:24-33
Noong panahong iyon, sinabi ni Hesus sa kanyang mga apostol, "Walang alagad na higit kaysa kanyang guro, at walang aliping higit sa kanyang panginoon. Masiyahan ang alagad na matulad sa kanyang guro, at ang alipin na matulad sa kanyang panginoon. Kung ang puno ng sambahayan ay tinawag nilang Beelzebul, lalo na nilang aalimurahin ang kanyang mga kasambahay!"  

"Kaya huwag kayong matakot sa kanila. Walang natatago na di malalantad, o nalilihim na di mabubunyag. Ang sinasabi ko sa inyo sa dilim, ulitin ninyo sa liwanag; at ang ibinulong sa inyo ay inyong ipagsigawan. Huwag ninyong katakutan ang pumapatay ng katawan ngunit hindi nakapapatay ng kaluluwa.  

Sa halip, ang katakutan ninyo'y ang nakapapatay ng kaluluwa at katawan sa impyerno. Hindi ba ipinagbibili ang maya nang dalawa isang pera? Gayunman, Kahit isa sa kanila'y hindi nahuhulog sa lupa kung hindi kalooban ng inyong Ama. Maging ang buhok ninyo'y bilang na lahat. Kaya, huwag kayong matakot; higit kayong mahalaga kaysa libu-libong maya."  

"Ang sinumang kumilala sa akin sa harapan ng mga tao ay kikilalanin ko rin naman sa harapan ng aking Amang nasa langit. Ngunit ang magtatwa sa akin sa harapan ng mga tao ay itatatwa ko rin naman sa harapan ng aking Amang nasa langit."

No comments:

Post a Comment