Please join My Reflections' Facebook Group

Thursday, June 16, 2022

Ang Mabuting Balita para sa Linggo Hunyo 19, Kabanal-banalang Katawan at Dugo ng Panginoon (Dakilang Kapistahan): Lucas 9:11b-17



Mabuting Balita: Lucas 9:11b-17
Noong panahong iyon, nagsalita si Jesus sa mga tao tungkol sa paghahari ng Diyos; pinagaling niya ang mga may karamdaman. 

Nang dumidilim na’y nilapitan siya ng labindalawa at sinabi sa kanya, “Paalisin na po ninyo ang mga tao nang makaparoon sila sa mga nayon sa kabukiran sa paligid upang humanap ng makakain at matutuluyan.

Nasa isang ilang na lugar po tayo. Ngunit sinabi nya, “Kayo ang magbibigay sa kanila ng makakain. Sumagot sila, wala po tayo kundi limang tinapay at dalawang isda, kaya  kailagang bumili kami ng pagkain para sa mga taong ito. May limang libong lalaki ang naroon.

Ngunit sinabi niya sa kanyang mga alagad, “Paupuin ninyo sila ng pulu-pulutong na tiglilimampu.” Gayun nga ang ginawa nila pinaupo ang lahat.

Kinuha ni Jesus ang limang tinapay at dalawang isda, tumingala sa langit at nag pasalamat sa Diyos. Pinaghati-hati niya ang mga ito at ibinigay sa kanyang mga alagad upang ipamahagi sa mga tao.

Nakakain ang lahat at nabusog. Tinipon ng mga alagad ang lumabis at nakapuno sila ng labindalawang bakol.  

No comments:

Post a Comment