Noong
panahong iyon, sinabi ni Hesus sa kanyang mga alagad, "Huwag ninyong
ibigay sa aso ang bagay na banal, sapagkat kayo'y babalingan at lalapain nila
pagkatapos. Huwag ninyong ihagis sa baboy ang inyong mga perlas sapagkat yuyurakan
lamang nila ang mga iyon."
"Kaya
gawin ninyo sa inyong kapwa ang ibig ninyong gawin nila sa inyo. Ito ang
kahulugan ng Kautusan ni Moises at ng turo ng mga propeta." "Pumasok
kayo sa makipot na pintuan; sapagkat maluwag ang pintuan at malapad ang daang
patungo sa kapahamakan, at ito ang dinaraanan ng marami. Ngunit makipot ang
pintuan at makitid ang daang patungo sa buhay, at kakaunti lang ang
nakasusumpong niyon."
No comments:
Post a Comment