Noong
panahong iyon, sinabi ni Hesus sa kanyang mga alagad, "Huwag ninyong
hatulan ang inyong kapwa, upang hindi kayo hatulan ng Diyos. Sapagkat hahatulan
kayo ng Diyos ayon sa hatol na inihahatol ninyo sa iba. Ang panukat ninyo sa
iba ay siya ring ipanunukat sa inyo. Bakit mo nakikita ang puwing sa mata ng
iyong kapatid, ngunit hindi mo pinapansin ang puwing mong gatahilan sa iyong
mata?
Paano mong masasabi sa iyong kapatid, 'Halika't aalisin ko ang puwing mo,' gayong gatahilan ang nasa mata mo? Mapagpaimbabaw! Alisin mo muna ang puwing na gatahilan at sa gayo'y makakikita kang mabuti at maaalis mo ang puwing ng iyong kapatid."
No comments:
Post a Comment