Please join My Reflections' Facebook Group

Monday, May 30, 2022

Ang Mabuting Balita: Martes Mayo 31 Pagdalaw ng Mahal na Birheng Maria (Kapistahan): Lucas 1:39-56


Mabuting Balita: Lucas 1:39-56
Si Maria'y nagmamadaling pumunta sa isang bayan sa kaburulan ng Juda. Pagdating sa bahay ni Zacarias, binati niya si Elisabet. Nang marinig ni Elisabet ang bati ni Maria, naggagalaw ang sanggol sa kanyang tiyan. Napuspos ng Espiritu Santo si Elisabet, at buong galak na sinabi, "Pinagpala ka sa mga babae, at pinagpala rin ang dinadala mo sa iyong sinapupunan!  

Sino ako upang dalawin ng ina ng aking Panginoon? Sapagkat pagkarinig ko ng iyong bati ay naggagalaw ang sanggol sa tuwa sa aking tiyan. Mapalad ka sapagkat nanalig kang matutupad ang ipinasasabi sa iyo ng Panginoon!"  At sinabi ni Maria, "Ang puso ko'y nagpupuri sa Panginoon, at nagagalak ang aking espiritu dahil sa Diyos na aking Tagapagligtas.  

Sapagkat nilingap niya ang kanyang abang alipin! At mula ngayon, ako'y tatawaging mapalad ng lahat ng salinlahi. Dahil sa mga dakilang bagay na ginawa sa akin ng Makapangyarihan -- Banal ang kanyang pangalan!  

Kinahahabagan niya ang mga may takot sa kanya, sa lahat ng sali't-saling lahi. Ipinakita niya ang lakas ng kanyang mga bisig, pinangalat niya ang mga palalo ang isipan. ibinagsak niya ang mga hari mula sa kanilang trono, at itinaas ang mga nasa abang kalagayan.  

Binusog niya ng mabubuting bagay ang mga nagugutom, at pinalayas niyang wala ni anuman ang mayayaman. Tinulungan niya ang kanyang bayang Israel, bilang pagtupad sa pangako niya sa ating mga magulang, kay Abraham at sa kanyang lahi, magpakailanman!"  

Tumira si Maria kina Elisabet nang may tatlong buwan, at saka umuwi.

No comments:

Post a Comment