21 At muli niyang sinabi sa kanila:
“Kapayapaan sa inyo! Kung paanong isinugo ako ng Ama, ipinadadala ko rin
kayo.” 22 At pagkasabi nito, hiningahan niya sila at sinabi: “Tanggapin ang
Espiritu Santo! 23 Patatawarin ang mga kasalanan ninuman na inyong
patawarin; at pananatiliin naman sa sinuman ang inyong
panatiliin.”
24 Hindi nila kasama si Tomas na tinaguriang
Kambal, na isa sa Labindalawa, nang dumating si Jesus. 25 Kaya sinabi sa
kanya ng iba pang mga alagad: “Nakita namin ang Panginoon!” Sinabi naman niya:
“Maliban lamang na makita sa kanyang mga kamay ang tatak ng mga pako at
maipasok ang aking daliri sa pinaglagusan ng mga pako at maipasok ang aking
kamay sa tagiliran niya, hinding-hindi ako maniniwala!”
26 Makaraan ang walong araw, muling
nasa loob ang kanyang mga alagad at kasama nila si Tomas. Dumating si Jesus
habang nakasara ang mga pinto at pumagitna. At sinabi niya: “Kapayapaan sa
inyo!” 27 At sinabi niya kay Tomas: “Ilapit mo rito ang daliri mo at tingnan
ang aking mga kamay. At ilapit ang kamay mo at ipasok sa aking tagiliran at
huwag tumangging maniwala kundi maniwala!”
28 Sumagot si Tomas sa kanya: “Panginoon ko at Diyos ko – ikaw!” 29 Sinabi sa kanya ni Jesus: “Dahil ba sa nakita mo ako kaya ka naniniwala? Mapapalad ang mga hindi nakakita at naniniwala.” 30 Ngayon, marami pang ibang tandang ginawa si Jesus sa harap ng kanyang mga alagad, na hindi naman nasusulat sa kasulatang ito. 31 Isinulat naman ang mga ito upang maniwala kayo na si Jesus ang Kristo, ang Anak ng Diyos. At sa paniniwala ninyo’y magkaroon kayo ng buhay sa bisa ng kanyang Pangalan.
No comments:
Post a Comment