Please join My Reflections' Facebook Group

Tuesday, March 01, 2022

Ang Mabuting Balita para sa Linggo Marso 6, Unang Linggo ng Apatnapung Araw na Paghahanda para sa pasko ng Pagkabuhay: Lucas 4:1-13



Mabuting Balita: Lucas 4:1-13
Noong panahong  iyon, 1 Umalis mula sa Jordan si Jesus na puspos ng Espiritu Santo at naglibot sa disyerto na akay ng Espiritu 2 sa loob ng apatnapung araw; at sinubok siya roon ng diyablo. Hindi siya kumain ng anuman sa loob ng mga araw na iyon at sa katapusa’y nagutom siya. 3 Sinabi sa kanya ng diyablo: “Kung ikaw ang anak ng Diyos, iutos mo sa batong ito na maging tinapay.” 4 Ngunit sumagot sa kanya si Jesus: “Sinasabi ng Kasulatan: Hindi sa tinapay lamang nabu-buhay ang tao.”

5 Pagkatapos ay itinaas niya si Jesus at ipinakita sa kanya sa isang kisap-mata ang lahat ng kaharian sa mundo. 6 Sinabi ng diyablo sa kanya: “Sa iyo ko ibibigay ang kapangyarihan sa lahat ng ito at ang kaluwalhatiang kalakip nito dahil sa akin ito ipinagkatiwala at maibibigay ko ito sa maibigan ko. 7 Kaya mapapasaiyo itong lahat kung magpapatirapa ka sa harap ko.” 8 Ngunit sumagot sa kanya si Jesus: “Sinasabi ng Kasulatan: Ang Panginoon mong Diyos ang iyong sasambahin at siya lamang ang iyong paglilingkuran.” 

9 Pagkatapos ay dinala siya ng diyablo sa Jerusalem at itinayo siya sa nakausling pader ng Templo at sinabi sa kanya: “Kung ikaw ang Anak ng Diyos, tumalon ka mula rito paibaba 10 sapagkat sinasabi ng Kasulatan: Iniutos niya sa kanyang mga anghel na pangalagaan ka at 11 bubuhatin ka nila para hindi matisod ang iyong paa sa bato.” 12 Ngunit sumagot si Jesus sa kanya: “Nasasaad: Huwag mong hamunin ang Panginoon mong Diyos.” 13 Kaya matapos siyang subukin ng diyablo sa lahat ng paraan, nilisan siya nito hanggang sa takdang panahon.

No comments:

Post a Comment