Please join My Reflections' Facebook Group

Thursday, February 10, 2022

Ang Mabuting Balita para sa Pebrero 12, Sabado ng Ikalimang Linggo sa Karaniwang Panahon: Marcos 8:1-10


Mabuting Balita: Marcos 8:1-10
1 Maraming tao ang sumama kay Jesus at wala silang makain. Kaya tinawag ni Jesus ang kanyang mga alagad at sinabi sa kanila: 2 “Labis akong naaawa sa mga taong ito, pangatlong araw ko na silang ka­sama at wala nang makain 3 at kung paalisin ko silang gutom, baka mahilo sila sa daan. Ga­ling pa sa malayo ang ilan sa kanila.”  

4 Sumagot ang kanyang mga alagad: “At paano naman maka­kakuha ng tinapay para pakainin sila sa ilang na ito?” 5 Tinanong sila ni Jesus: “Ilan bang tinapay meron kayo?” Sumagot sila: “Pito.”   

6 Pinaupo ni Jesus sa lupa ang mga tao, kinuha ang pitong tinapay at nag­pa­salamat sa Diyos. Pinagpira-­piraso niya ang mga ito at ibinigay sa kan­yang mga alagad para ihain; at inihain nila ang mga ito sa mga tao. 7 Meron din silang ilang isda. Binasbasan ito ni Jesus at iniutos na ihain din ang mga ito.  

8 Kumain sila at nabusog at inipon ang mga natirang pira-piraso – pitong bayong. 9 Apat na libo ang naroon, at saka sila pinauwi ni Jesus. 10 Agad siyang sumakay sa bangka kasama ang kanyang mga alagad at pumunta sa lupain ng Dalma­nuta.

No comments:

Post a Comment