Please join My Reflections' Facebook Group

Friday, January 14, 2022

Ang Mabuting Balita para sa Lunes Enero 17, San Antonio, abad (Paggunita): Marcos 2:18-22


Mabuting Balita: Marcos 2:18-22
18 Nag-aayuno ang mga alagad ni Juan at ang mga Pariseo. Kaya may lumapit sa kanya at nagta­nong: “May araw ng ayuno ang mga alagad ni Juan at ang mga alagad ng mga Pariseo, at wala ba namang pag-aayuno ang iyong mga alagad?”   

19 Sinagot sila ni Jesus: “Puwede bang mag-ayuno ang mga abay sa kasalan kapag kasama pa nila ang nobyo? 20 Darating ang panahon na kukunin sa kanila ang nobyo; sa araw na iyon sila mag-aayuno.  

21 Walang nagtatagpi ng piraso ng ba­gong tela sa lumang damit. Kung gagawin mo ito, hihilahin ng tagpi ang damit, ng bago ang luma at lalo pang lalaki ang punit. 22 At hindi ka rin naman maglalagay ng bagong alak sa mga lumang sisidlan. Kung gagawin mo ito, papuputukin ng alak ang mga sisidlan at masisira ang alak pati na ang mga sisidlan. Sa bagong sisidlan ang bagong alak!”

No comments:

Post a Comment