44 Sa pag-aakalang kasama siya ng iba
pang mga kasamahan, maghapon silang nakipaglakbay at noon nila hinanap ang bata
sa mga kamag-anakan nila’t mga kakilala. 45 Nang hindi nila siya matagpuan,
bumalik sila sa Jerusalem sa pag-hahanap sa kanya. 46 At sa ikatlong araw,
natagpuan nila siya sa Templo, nakaupong kasama ng mga guro at nakikinig at
nagtatanong sa kanila. 47 At namangha sa kanyang talino at mga sagot ang mga
nakarinig sa kanya.
48 Nagulat ang kanyang mga magulang
pagkakita sa kanya, at sinabi sa kanya ng kanyang ina: “Anak, bakit mo naman
ito ginawa sa amin? Nagdusa nga ang iyong ama at ako habang hinahanap ka
namin.” 49 Ngunit sinabi niya sa kanila: “At bakit ninyo ako hinahanap? Hindi
ba ninyo alam na dapat ay nasa bahay ako ng aking Ama?” 50 Pero hindi nila
naintindihan ang sinabi niya sa kanila. 51 Kaya bumaba siyang kasama nila
pa-Nazaret, at patuloy siya sa pagiging masunurin sa kanila. Iningatan naman ng
kanyang ina ang lahat ng ito sa kanyang puso.
• 52 At umunlad si Jesus sa karunungan at edad at kagandahang-loob sa paningin ng Diyos at ng mga tao.
No comments:
Post a Comment