Please join My Reflections' Facebook Group

Tuesday, January 25, 2022

Ang Mabuting Balita para sa Linggo Enero 30, Ikaapat na Linggo sa Karaniwang Panahon: Lucas 4:21-30



Mabuting Balita: Lucas 4:21-30
21 Sinimulan ni Jesus magsalita sa ka­nila: “Isinaka­tuparan ang Kasula­tang ito ngayon ha­bang naki­kinig kayo.”  

22 At sumang-ayon silang lahat sa kanya habang nagtataka sa gayong pagpapahayag ng kabutihang-loob ng Diyos na nangga­ling sa kanyang bibig. At sinabi nila: “Hindi ba’t ito ang anak ni Jose?” 23 Nagsalita si Jesus sa kanila: “Tiyak na babanggitin ninyo sa akin ang kasabihang: ‘Manggagamot, paga­lingin mo ang iyong sarili! Gawin mo rin dito sa iyong bayan ang mga bagay na narinig naming ginawa mo sa Capernaum’.”

24 At idinagdag niya: “Talagang sinasabi ko: walang propetang katanggap-tanggap sa sarili niyang bayan. 25 Tinitiyak ko sa inyo na maraming babaeng balo noon sa kapana­hunan ni Elias nang sarhan ang langit sa loob ng tatlo’t kala­hating taon at nagkaroon ng matin­ding taggutom sa buong lupain. 26 Gayon pa ma’y hindi ipinadala si Elias sa isa man sa kanila kundi sa baba­eng balo ng    Sarepta sa may Sidon. 27 Marami ring may­ketong sa Israel sa kapana­hunan ni Propeta Eliseo pero wala sa kanilang pinaga­ling kundi ang Siriong si Naaman.”

28 Napuno ng galit ang lahat sa sinagoga pagkarinig dito, 29 tumindig sila at ipinagtulakan siya sa labas ng bayan. Dinala nila siya sa gilid ng burol na ki­na­­­ta­tayuan ng kanilang bayan para ihu­log. 30 Ngunit du­maan siya sa gitna nila at umalis. 

No comments:

Post a Comment