37 Ngunit
sumagot si Jesus sa kanila: “Kayo ang magbigay sa kanila ng makakain.” Sinabi
naman nila: “At kami pa pala ang bibili ng tinapay – dalawandaang denaryo, di
ba? At bibigyan namin sila.” 38 Ngunit sinabi niya: “Ilang tinapay meron
kayo? Sige, tingnan ninyo.” At pagkatingin nila ay kanilang sinabi: “Lima at
may dalawa pang isda.”
39 Kaya
iniutos niya sa kanila na paupuin nang grupu-grupo ang ma-kapal na tao sa
berdeng damuhan. 40 At naupo silang grupu-grupo, tigsasandaan at
tiglilimampu. 41 Kinuha niya ang limang tinapay at dalawang isda, tumingala
sa langit, nagpuri, hinati ang mga tinapay at ibinigay sa kanyang mga alagad
para ibigay din nila sa mga tao. Gayundin naman, hinati niya ang dalawang
isda. 42 At kumain silang lahat at nabusog, 43 at inipon nila ang mga
natirang pira-piraso – labindalawang punong basket ang mga piraso ng tinapay
pati na ang mga piraso ng isda. 44 Mga limanlibong lalaki ang napakain.
No comments:
Post a Comment