1 Muling
pumasok si Jesus sa sinagoga, at naroon ang isang lalaki na hindi maigalaw ang
kamay, at mayroon ding gustong magsumbong tungkol kay Jesus. 2 Kaya
nagmasid sila at baka pagalingin siya ni Jesus sa Araw ng Pahinga.
3 At sinabi naman niya sa taong hindi maigalaw ang kamay: “Tumindig ka sa gitna.” 4 At saka niya sila tinanong: “Ano ang ipinahihintulot sa Araw ng Pahinga, gumawa ng mabuti o gumawa ng masama, magligtas ng buhay o pumatay?” At di sila umimik.
5 Nalungkot
si Jesus dahil sa katigasan ng kanilang puso kaya galit niyang tiningnan
silang lahat, at sinabi sa lalaki: “Iunat mo ang iyong kamay.” Iniunat nga ng
tao ang kamay at gumaling ito. 6 Pagkalabas ng mga Pariseo, nakipagtipon
sila sa mga kakampi ni Herodes para masiraan nila siya.
No comments:
Post a Comment