Please join My Reflections' Facebook Group

Tuesday, January 11, 2022

Ang Mabuting Balita para sa Enero 14, Biyernes ng Unang Linggo sa Karaniwang Panahon: Marcos 2:1-12


Mabuting Balita: Marcos 2:1-12
1 Pagkaraan ng ilang araw, pumasok si Jesus sa Capernaum. Nang maba­litang nasa bahay siya, 2 ma­rami ang nagtipon doon kaya wala nang lugar kahit sa may pintuan. At ipinahayag niya ang Salita. 3 May mga tao namang duma­ting at dinala sa kanya ang isang parali­tiko, na buhat-buhat ng apat.  

4 At nang hindi sila makalapit kay Jesus dahil sa dami ng tao, inalis nila ang mga tisa ng terasang nasa ibabaw ng kinaroroonan ni Jesus at pagka­bukas nila nito, inihugos nila ang pa­ralitiko na nasa higaan. 5 Nang makita ni Jesus ang kanilang pananalig, sinabi niya sa paralitiko: “Anak! Pinatawad na ang iyong mga kasa­lanan.”  

6 May ilang guro ng Batas naman na nakaupo roon at inisip nila: 7 “Ano itong sinasabi niya? Talagang iniinsulto niya ang Diyos. Sino ba ang may kapang­yari­hang magpatawad ng mga kasa­lanan? Di ba’t ang Diyos lamang?” 8 At agad na nalaman ni Jesus sa kan­yang espiritu na ganoon ang kani­lang mga niloloob na kaisipan. Kaya sinabi niya sa kanila: “Ano ang mga kaisipan ninyong ito?  

9 Ano ba ang mas madaling sabihin sa paralitiko: ‘Pinatawad na ang iyong mga kasalanan’ o ‘Tumayo ka, kunin ang iyong higaan at lumakad’? 10 Dapat ninyong malaman na sa lupa ay may kapang­yarihan ang Anak ng Tao na magpatawad ng kasa­lanan.”  

At sinabi niya sa paralitiko: 11 “Ini­uutos ko sa iyo: bumangon ka, dalhin mo ang iyong higaan at umuwi.” 12 At bumangon nga ang tao, agad na kinu­ha ang higaan at lumabas na nakikita ng lahat. Lubhang namangha ang lahat at nagpuri sila sa Diyos sa pagsasabing “Kailanma’y hindi pa kami nakakakita ng ganito.”

No comments:

Post a Comment