Please join My Reflections' Facebook Group

Wednesday, December 01, 2021

Ang Mabuting Balita para sa Linggo Disyembre 5 Ikalawang Linggo ng Adbiyento: Lucas 3:1-6


Mabuting Balita: Lucas 3:1-6  
 Sa ika-labinlimang taon ng paghahari ni Tiberio Cesar, ang gobernador sa Judea ay si Poncio Pilato. Ang tetrarka sa Galilea ay si Herodes. Ang kaniyang nakakabatang kapatid na si Felipe ay punong tagapamahala sa Iturea at sa lalawigan ng Traconite. Si Lisonias ay punong tagapamahala sa Abilinia. 

Ang mga pinakapunong-saserdote ay sina Anas at Caifas. Sa panahong iyon, ang salita ng Diyos ay dumating kay Juan na nasa ilang. Si Juan ay anak ni Zacarias. Siya ay pumunta sa lahat ng lupain sa palibot ng Jordan. Ipinapangaral niya ang bawtismo ng pagsisisi para sa ikakapagpatawad ng mga kasalanan. Sa aklat ng mga salita ni Isaias, ang propeta, ay ganito ang nasusulat: May tinig na sumisigaw sa ilang. Ihanda ninyo ang daan ng Panginoon. Tuwirin ninyo ang kaniyang mga landas. Tatambakan ang bawat bangin at papatagin ang bawat bundok at burol. Ang mga liku-liko ay tutuwirin at ang mga baku-bako ay papantayin. Makikita ng lahat ng mga tao ang pagliligtas ng Diyos.

No comments:

Post a Comment