Please join My Reflections' Facebook Group

Friday, December 24, 2021

Ang Mabuting Balita para sa Disyembre 25 Sabado, Pasko ng Pagsilang ng Panginoon (Dakilang Kapistahan) Misa sa Hatinggabi: Lucas 2:1-14


Mabuting Balita: Lucas 2:1-14
1 Nang mga araw na iyon, nagpalabas ng kautusan si Emperador    Augusto na magpalista ang buong imperyo. 2 Naganap ang unang sensong ito nang si Quirinio ang gobernador sa Siria. 3 Kaya kailangang maglakbay ang bawat isa para sa kanya-kanyang bayan magpalista. 4 Umahon din si Jose mula sa bayan ng Nazaret sa Galilea. Mula siya sa angkan at lahi ni David kaya pumunta siya sa Judea upang sa bayan ni David na tinatawag na Betlehem magpalista, 5 kasama si Maria na ipinagkasundo na sa kanya na nagdada-lantao noon. 

6 Habang naroon sila, dumating ang sandali ng panganganak ni Maria. 7 At nagsilang siya ng isang lalaki na kanyang panganay. Binalot ito ng lampin at inihiga sa sabsaban – dahil walang lugar para sa kanila sa bahay.

• 8 Sa lupain ding iyo’y may mga pastol na nasa silungan na halinhinan sa pagbabantay sa kanilang kawan sa gabi. 9 Biglang dumating sa kanila ang isang anghel ng Panginoon at nagningning sa paligid nila ang luwalhati ng Panginoon; gayon na lamang ang takot nila. 10 Ngunit sinabi sa kanila ng anghel: “Huwag kayong matakot, ipinahahayag ko nga sa inyo ang magandang balita na magdudulot ng ma-laking kagalakan sa lahat ng bansa. 11 Ngayo’y isinilang sa inyo sa bayan ni David ang Tagapagligtas na si Kristong Panginoon. 12 At ito ang magiging palatandaan ninyo: ma-kikita ninyo ang isang sanggol na nababalot ng lampin at nakahiga sa sabsaban.”  

13 Biglang-bigla namang lumitaw kasama ng anghel ang isang makapal na hukbo ng langit, na nagpupuri sa Diyos at sinasabi: 14 “Papuri sa Diyos sa kaitaasan at sa lupa’y kapayapaan sa mga tao na kanyang mahal.”

No comments:

Post a Comment