Please join My Reflections' Facebook Group

Sunday, December 05, 2021

Ang Mabuting Balita para sa Disyembre 6 Lunes sa Ikalawang Linggo ng Adbiyento: Lucas 5:17-26


Mabuting Balita: Lucas 5:17-26
17 Isang araw, nagtuturo siya at na­kaupo naman ang mga Pariseo at mga guro ng Batas na galing sa iba’t ibang bayan ng Galilea at Judea at mula sa Jerusalem. Gumagawa ang kapangya­rihan ng Panginoon sa kanya na mag­pagaling. 18 May mga lalaking du­mating na dala sa isang papag ang isang lala­king paralitiko.  

Sinikap nilang dalhin siya at ilagay sa harapan ni Jesus. 19 Nang hindi nila makita kung paano nila mada­dala ang paralitiko dahil sa dami ng tao, umakyat sila sa bubungan at sa bubong nila siya idinaan pababa na nasa kanyang papag hanggang sa gitna sa harap ni Jesus.  

20 Nang makita niya ang kanilang pana­nalig, sinabi niya: “Kaibigan, pinatatawad ka sa iyong mga kasalanan.” 21 Nagsimula noong mag-isip-isip ang mga guro ng Batas at mga Pariseo: “Talagang iniinsulto ng taong ito ang Diyos. Sino ba ang may kapang­yari­hang magpatawad ng mga kasalanan? Di ba’t ang Diyos lamang?”  

22 Ngunit alam ni Jesus ang kanilang mga pag-iisip kaya sinabi niya sa kanila: “Ano ang mga ka­isipan ninyong ito? 23 Ano ba ang mas madaling sabi­hin: ‘Pinatatawad ka sa iyong mga kasa­lanan’ o ‘Tumayo ka’t lumakad’?  

 24 Da­pat ninyong malaman na may kapang­yarihan sa lupa ang Anak ng Tao na magpatawad ng mga kasala­nan.” At sinabi niya sa paralitiko: “Sinasabi ko sa iyo: bumangon ka, dal­hin ang iyong higaan at umuwi.” 25 At kapag­daka’y tumayo siya sa harap nila, kinuha ang kan­yang higaan at umu­wing nagpu­puri sa Diyos.  

26 Namangha ang lahat at nagpuri sa Diyos. Nasindak nga sila at sinabi: “Naka­kita tayo ng mga kagila-gilalas na bagay sa araw na ito!”

No comments:

Post a Comment