20 Tinanong si Jesus
ng mga Pariseo kung kailan darating ang paghahari ng Diyos at sumagot siya:
“Hindi lantaran ang pagdating ng kaharian ng Diyos; 21 di masasabing
‘Narito o naroon,’ nasa inyo na nga ang kaharian ng Diyos.”
22 Sinabi ni Jesus
sa mga alagad: “Darating ang panahon na pananabikan ninyong makita ang isa sa
mga araw ng Anak ng Tao at di naman ninyo makikita. 23 At may magsasabi sa
inyo ‘Narito siya, naroon.’ Huwag kayong pupunta, huwag maghahanap.
24 Sumisiklab nga ang kidlat at nagniningning mula sa isang dako ng
langit hanggang sa kabila, gayundin naman ang Anak ng Tao sa araw ng kanyang
pagdating. 25 Subalit kailangan muna niyang magtiis ng marami at itakwil
ng mga tao sa kasalukuyan.
No comments:
Post a Comment