41 Nang malapit na
siya at kita na ang lunsod, iniyakan ito ni Jesus: 42 “Kung nalalaman mo
lamang sana sa araw na ito ang daan sa kapayapaan!
Ngunit ngayo’y hindi mo ito nakikita. 43 Sasapit sa iyo ang mga araw na magkakampo sa paligid mo ang iyong mga kaaway, kukubkubin ka at sisikilin sa lahat ng dako. 44 Iguguho ka nila sa iyong mga anak, at walang iiwang magkapatong na bato sa iyo. Sapagkat hindi mo nalaman ang panahon ni ang pagdalaw ng iyong Diyos.”
No comments:
Post a Comment