16 At sinabi niya sa mga nagtitinda ng mga kalapati: “Alisin n’yo ang mga ito! Huwag n’yong gawing palengke ang Bahay ng aking Ama.” 17 Naalaala ng kanyang mga alagad na nasusulat: “Tinutupok ako ng malasakit sa iyong Bahay.”
18 Kaya sumagot ang mga Judio: “Anong tanda ang maipapakita mo sa amin at ginagawa mo ito?” 19 Sinagot sila ni Jesus: “Gibain n’yo ang templong ito, at ibabangon ko ito sa tatlong araw.”
20 Sinabi naman ng
mga Judio: “Apat-napu’t anim na taon nang itinatayo ang templong ito, at
ibabangon mo ito sa tatlong araw?” 21 Ngunit and templong katawan niya ang
kanyang tinutukoy. 22 Nang ibangon siya mula sa mga patay, naalaala ng kanyang
mga alagad ang sinabi niyang ito. Kaya naniwala sila sa Kasulatan at sa
salitang sinabi ni Jesus.
No comments:
Post a Comment