1 Sinabi ni Jesus sa
kanyang mga alagad: “Hindi maaaring walang katitisuran at magpapabagsak sa
tao ngunit sawimpalad ang taong naghahatid nito! 2 Mas makabubuti pa sa
kanya na talian ng gilingang-bato sa leeg at ihagis sa dagat kaysa tisurin at
pabagsakin ang isa sa maliliit na ito.
3 Mag-ingat kayo. Kung magkasala ang kapatid mo, pagsabihan mo siya, at kung magsisi’y patawarin mo. 4 At kung pitong beses siyang magkasala sa iyo sa isang araw at pitong beses din siyang bumalik sa iyo na nagsisisi, patawarin mo siya.”
5 Sinabi ng mga
apostol sa Panginoon: “Dagdagan mo ang aming pananampalataya.” 6 Sumagot
ang Panginoon: “Kung may pananampalataya kayong sinlaki ng buto ng mustasa,
masasabi ninyo sa punong malaigos na iyan: ‘Mabunot ka at sa dagat ka
matanim,’ at susundin kayo nito.
No comments:
Post a Comment