1 Isang
araw, nananalangin si Jesus sa isang lugar at pagkatapos niya’y sinabi sa
kanya ng isa sa kanyang mga alagad: “Panginoon, turuan mo kaming manalangin
kung paanong tinuruan ni Juan ang kanyang mga alagad.”
2 At sinabi ni Jesus sa kanila: “Kung mananalangin kayo, sabihin ninyo: Ama, sambahin ang ngalan mo, dumating ang kaharian mo, 3 bigyan mo kami araw-araw ng pagkaing kailangang-kailangan namin, 4 patawarin mo kami sa aming mga sala; tingnan mo’t pinatatawad din namin ang lahat ng may utang sa amin, at huwag mo kaming dalhin sa tukso.”
No comments:
Post a Comment