4 Gayon din naman sa namatay na labing walong taong nabagsakan ng tore sa Siloe, sa akala ba ninyo’y mas may utang sila sa Diyos kaysa lahat ng naninirahan sa Jerusalem? 5 Sinasabi ko: hindi, pero kung hindi kayo magbabago, mapapahamak din kayong lahat.”
6 At sinabi ni Jesus ang talinhagang ito: “May taong may isang puno ng igos sa kanyang ubasan. At pumunta siya para maghanap ng mga bunga pero wala siyang nakita. 7 Kaya sinabi niya sa nag-aalaga ng ubasan: ‘Tatlong taon na akong pumaparito sa paghahanap ng mga bunga sa punong-igos na iyan at wala akong nakita. Putulin mo iyan at pampasikip lang sa lupa.’
8 Ngunit
sumagot sa kanya ang tauhan: ‘Ginoo, pabayaan mo na siya ngayong taon.
Maghuhukay ako sa paligid nito at lalagyan ng pataba. 9 Baka sakaling mamunga
siya ngunit kung hindi’y saka mo siya putulin.”
No comments:
Post a Comment