1 Pagkatapos
nito, humirang ang Panginoon ng iba pang pitumpu’t dalawa at isinugo silang
dala-dalawa na mauna sa kanya sa bawat bayan at lugar na takda niyang puntahan.
2 Sinabi niya sa kanila: “Marami nga ang aanihin at kakaunti naman ang mga
manggagawa; idalangin ninyo sa panginoon ng ani na magpadala siya ng mga
manggagawa sa kanyang ani. 3 Lumakad na kayo. Isinusugo ko kayong parang
mga tupa sa gitna ng mga asong-gubat. 4 Huwag kayong magdala ng pitaka,
bag o mga sandalyas. At huwag ninyong batiin ang sinuman sa daan.
5 Saanmang bahay kayo pumasok, sabihin muna ninyo: ‘Mapasatahanang ito ang kapayapaan!’ 6 Kung mapayapang tao ang naroon, sasakanya ang inyong kapayapaan. Kung hindi’y magbabalik sa inyo ang inyong dasal. 7 At sa bahay na iyon kayo manatili; kumain kayo at uminom na kasalo nila sapagkat may karapatan ang manggagawa sa kanyang sahod. Huwag kayong magpapapalit-palit ng bahay.
• 8 Saanmang
bayan kayo pumasok at tanggapin nila kayo, kanin ninyo anumang ihain sa inyo.
9 Pagalingin din ninyo ang mga maysakit doon at sabihin ninyo sa kanila:
‘Palapit na sa inyo ang kaharian ng Diyos.’
No comments:
Post a Comment