Sinabi ni
Jesus, Sawimpalad kayong mga Pariseo! Nagbabayad nga kayo ng ikapu ng
yerbabuena at ng ruda at ng lahat ng gulay, at pinababayaan naman ninyo ang
katarungan at ang pag-ibig sa Diyos. Ito nga ang dapat gawin nang di
kinaliligtaan ang mga iyon. 43 Sawimpalad kayong mga Pariseo! Gusto
ninyong mabigyan ng pangunahing upuan sa mga sinagoga at mabati sa mga liwasan.
44 Sawimpalad kayo, na parang mga nakatagong libingan, na inaapakan ng
mga tao at di man lang nila namamalayan.”
45 Nagsalita
ang isang guro ng Batas: “Guro, iniinsulto mo rin kami sa pagsasabi mo ng mga
ito.” 46 At sinabi ni Jesus: “Sawimpalad din kayong mga guro ng Batas!
Ipinapapasan ninyo sa mga tao ang mga napakabibigat na pasanin, ngunit ni isang
daliri ay ayaw ninyong igalaw para tulungan sila.
No comments:
Post a Comment