38 Sinabi
ni Jesus: “Talagang hindi ninyo alam kung ano ang hinihingi ninyo. Maiinom ba
ninyo ang kopang iinumin ko at mabibinyagan sa binyag na ibininyag sa akin?”
39 Sumagot sila: “Kaya namin.” Sumagot si Jesus: “Totoong iinom din kayo
sa kopang iinumin ko at mabibinyagan sa binyag na ibibinyag sa akin.
40 Ngunit wala sa akin ang pagpapaupo sa aking kanan o kaliwa. Inihanda
ito para sa iba.”
41 Nang
marinig ito ng sampu, nagalit sila kina Jaime at Juan. 42 Kaya tinawag
sila ni Jesus at sinabi sa kanila: “Nalalaman ninyo na sinusupil ng mga
naghahari ang kanilang mga bansa at inaapi ng mga nasa kapangyarihan.
43 Huwag namang ganito sa inyo: ang may gustong maging dakila, siya ang
maging lingkod ninyo; 44 ang may gustong mauna sa inyo, siya ang maging
alipin ninyo.
45 Gayundin
naman, dumating ang Anak ng Tao hindi para paglingkuran kundi para maglingkod
at ibigay ang kanyang buhay bilang pantubos sa marami.”
No comments:
Post a Comment