32 Kung minamahal ninyo ang mga umiibig sa inyo, ano ang kahanga-hanga roon? Minamahal din ng mga makasalanan ang mga nagmamahal sa kanila. 33 Kung ginagawa ninyo ang mabuti sa mga gumagawa nito sa inyo, ano ang kahanga-hanga roon? Iyon din ang ginagawa ng mga makasalanan. 34 Kung nagpapautang kayo sa mga inaasahan ninyong makapagbabayad, ano ang kahanga-hanga roon? Nagpapautang din ang mga makasalanan sa mga makasa¬lanan para matanggap ang katumbas.
35 Sa halip ay mahalin ninyo ang inyong mga kaaway; gumawa kayo ng mabuti at magpautang na walang ina¬asahang anuman. Kaya gagantimpalaan kayo nang malaki at magiging mga anak ng Kataas-taasan dahil butihin siya sa mga walang-utang-na-loob at masasama. 36 Maging maawain kayo gaya ng inyong Amang maawain.
37 Huwag kayong
humatol, at hindi kayo hahatulan; huwag ninyong sum¬pain ang sinuman, at hindi
kayo susumpain; magpatawad kayo, at kayo’y patatawarin. 38 Magbigay kayo, at
kayo’y bibigyan – isang saganang takal, siksik, liglig at umaapaw ang mabubuhos
sa inyong kandungan. Sapagkat susukatin kayo sa sukatang gina¬gamit ninyo.
No comments:
Post a Comment