Please join My Reflections' Facebook Group

Tuesday, August 03, 2021

Ang Mabuting Balita para sa Agosto 5 Huwebes sa Ika-18 na Linggo ng Taon: Mateo 16:13-23

 

Mabuting Balita: Mateo 16:13-23
13 Pumunta noon si Jesus sa may dakong Cesarea ni Filipo. Tinanong niya ang kanyang mga ala­gad: “Ano ang Anak ng Tao para sa mga tao? Sino ako para sa kanila?” 14 Sumagot sila: “May nagsasa­bing si Juan Bautista ka; may iba pang nagsasabing si Elias ka o si Jeremias o isa sa mga propeta kaya.”  

15 Sinabi niya sa kanila: “Ngunit sino ako para sa inyo?” 16 At sumagot si Simon Pedro: “Ikaw ang Mesiyas, ang Anak ng Diyos na Buhay.” 17 Sumagot naman si Jesus: “Mapalad ka, Simon Bar-Yona, hindi nga laman at dugo ang nagbunyag nito sa iyo kundi ang aking Amang nasa Langit.  

18 At ngayon sinasabi ko sa iyo: Ikaw si Pedro (o Bato) at sa batong ito ko itatayo ang aking Iglesya; at hinding-hindi ito madadaig ng kapangyarihan ng kama­tayan. 19 Ibibigay ko sa iyo ang mga susi ng kaharian ng Langit: ang itali mo dito sa lupa ay itatali rin sa Langit, at ang ka­lagan mo dito sa lupa ay kakalagan din sa Langit.”  

20 At inutusan niya ang kanyang mga alagad na huwag sabihin kanino man na siya nga ang Mesiyas. • 21 Mula sa araw na iyon, ipinaalam ni Jesucristo sa kanyang mga alagad na kailangan siyang pumunta sa Jerusalem: pahihirapan siya ng mga Matatanda ng mga Judio, ng mga punong-pari at ng mga guro ng Batas. Papa­tayin siya at muling babangon sa ikatlong araw.  

22 Dinala naman siya ni Pedro sa isang tabi at sinimulang pagsabihan: “Hu­wag sana, Panginoon! Hindi ito puwede.” 23 Ngunit hinarap ni Jesus si Pedro at sinabi sa kanya: “Sa likod ko, Satanas! At baka mo pa ako tisu­rin. Hindi sa Diyos galing ang iyong iniisip kundi mula sa tao.”

No comments:

Post a Comment