45 Isipin ninyo ito: may tapat at matalinong katulong at sa kanya ipinagkatiwala ng kanyang amo ang sambahayan nito para bigyan sila ng pagkain sa tamang oras. 46 Kung sa pagdating ng kanyang amo ay matagpuan siya nitong tumutupad sa kanyang tungkulin, mapalad ang katulong na ito. 47 Talagang sinasabi ko sa inyo na ipagkakatiwala sa kanya ng amo ang lahat nitong pag-aari.
48 Sa
halip ay nag-iisip naman ang masamang katulong: ‘Magtatagal ang aking
panginoon.’ 49 Kayat sinimulan niyang pagmalupitan ang mga katulong na
kasama niya samantalang nakikipagkainan at nakikipag-inumang kasama ng mga
lasing. 50 Ngunit darating ang panginoon ng katulong na iyon sa oras na
di niya inaasahan at sa panahong di niya alam.
51 Paaalisin niya ang katulong na ito at pakikitunguhang gaya
ng mga mapagkunwari. Doon nga may iyakan at pagngangalit ng ngipin.
No comments:
Post a Comment