54 Pumunta
si Jesus sa kanyang bayan at nagturo sa mga tao sa kanilang sinagoga. Namangha
silang lahat at nagsabi: “Saan kaya galing ang kanyang karunungan at
natatanging kapangyarihan? 55 Di ba’t siya ang anak ng karpintero? Di
ba’t si Maria ang kanyang ina at sina Jaime, Jose, Simon at Judas ang kanyang
mga kapatid? 56 Hindi ba’t narito sa piling natin ang lahat niyang kapatid
na babae? Ano’t nangyari sa kanya ang lahat ng ito?” 57 At bulag sila
tungkol sa kanya.
Sinabi naman
sa kanila ni Jesus: “Sa kanyang sariling bayan lamang at sambahayan hinahamak
ang isang propeta.” 58At kaunti lamang ang ginawa niyang himala roon sapagkat
kulang sila sa pananampalataya.
No comments:
Post a Comment