Noong panahong
iyon sinabi ni Jesus sa kanyang mga alagad: 15 Mag-ingat sa mga bulaang
propeta na lumalapit sa inyo na parang mga tupa pero mababagsik na mga
asong-gubat naman sa loob. 16 Makikilala ninyo sila sa kanilang mga
bunga. Makapipitas ba ng ubas sa tinikan o ng igos sa dawagan?
17 Namumunga
ng mabuti ang mabuting puno, at namumunga naman ng masama ang masamang
puno. 18 Hindi makapamumunga ng masama ang mabuting puno, at ang
masamang puno naman ay hindi makapamumunga ng mabuti. 19 Pinuputol ang
anumang puno na hindi namumunga ng mabuting bunga at itinatapon sa apoy.
20 Kaya makikilala ninyo sila sa kanilang bunga.
No comments:
Post a Comment