3 Pinag-usapan nila: “Sino ang magpapagulong
at mag-aalis sa malaking bato sa bukana ng libingan?” 4 Ngunit pagtingin
nila’y nakita nilang naigulong na ang bato – napakalaki nga niyon.
5 Kaya pumasok sila sa libingan at nakita nila ang isang binatang nakaputi na nakaupo sa kanan, at takang-taka sila. 6 Ngunit sinabi niya sa kanila: “Huwag kayong matakot. Di ba’t si Jesus na taga-Nazaret, ang ipinako sa krus, ang hinahanap ninyo? Binuhay siya at wala siya rito. Hayan ang lugar kung saan siya inilagay. 7 Ngunit humayo kayo at sabihin sa mga alagad niya at pati kay Pedro na mauuna siya sa inyo sa Galilea. Doon ninyo siya matatagpuan gaya ng sinabi niya sa inyo.”
No comments:
Post a Comment