44 Malakas namang sinabi ni Jesus:
“Ang nananalig sa aki’y hindi sa akin kundi sa nagpadala sa akin. 45 Ang
pumapansin sa aki’y pumapansin sa nagpadala sa akin. 46 Dumating ako na
liwanag sa mundo upang hindi mamalagi sa dilim ang bawat nananalig sa akin.
47 Kung may nakakarinig sa aking mga salita at hindi ito iniingatan,
hindi ako ang humahatol sa kanya sapagkat dumadating ako hindi para hatulan
ang mundo kundi para iligtas ang mundo.
48 May humahatol sa bumabale-wala sa
akin at di tumatanggap sa mga pananalita ko. Ang salitang ipinangusap ko ang
siyang hahatol sa kanya sa huling araw. 49 Sapagkat hindi ako nangusap sa
ganang sarili ko; ang nagpadala sa akin – ang Ama – siya mismo ang nag-utos sa
akin kung ano ang sasabihin ko at ipangungusap. 50 Alam kong buhay magpakailanman
ang kanyang utos. Kaya ang ipinangungusap ko’y ipinangungusap ko gaya ng
sinabi sa akin ng Ama.
No comments:
Post a Comment