Short, Simple and Personal reflections on the daily Holy Mass Gospel. I provide talks.
Please join My Reflections' Facebook Group
▼
Monday, March 08, 2021
Ang Mabuting Balita para sa Marso 9 Martes sa Ikatlong Linggo ng Kuwaresma: Mateo 18:21-35
Mabuting Balita: Mateo 18:21-35 21 Nagtanong naman si Pedro: “Panginoon,
gaano kadalas ko naman dapat patawarin ang mga pagkukulang ng aking kapatid?
Pitong beses ba?” 22 Sumagot si Jesus: “Hindi, hindi pitong beses kundi
pitumpu’t pitong beses. 23 Tungkol sa kaharian ng Langit ang
kasaysayang ito. Isang hari ang nagpasyang pagbayarin ng utang ang kanyang mga
utusan. 24 Nang simulan niyang suriin ang kuwenta, iniharap sa kanya ang
isang may utang na sampung libong baretang ginto. 25 Dahil walang maibayad
sa kanya ang tao, iniutos ng panginoon na ipagbili at maging alipin siya kasama
ng kanyang asawa, mga anak at mga ari-arian bilang bayad-utang. 26 At nagpatirapa sa paanan ng hari
ang opisyal at sinabi: ‘Bigyan mo pa ako ng panahon, at babayaran kong lahat
ang utang ko.’ 27 Naawa sa kanya ang hari at hindi lamang siya pinalaya
kundi kinansela pa ang kanyang utang. 28 Pagkaalis ng opisyal na ito, nasalubong
niya ang isa sa kanyang mga kasamahan na may utang namang sandaang barya sa
kanya. Sinunggaban niya ito sa leeg at halos sakalin habang sumisigaw ng
‘Bayaran mo ang utang mo!’ 29 Nagpatirapa sa paanan niya ang
kanyang kasamahan at nagsabi: ‘Bigyan mo pa ako ng panahon, at babayaran
kong lahat ang utang ko sa iyo.’ 30 Ngunit tumanggi siya at ipinakulong
ito hanggang makabayad ng utang. 31 Labis na nalungkot ang iba nilang
kapwa-lingkod nang makita ang nangyari. Kaya pinuntahan nila ang kanilang
panginoon at ibinalita ang buong pangyayari. 32 Ipinatawag naman niya ang
opisyal at sinabi: ‘Masamang utusan, pinatawad ko ang lahat ng iyong utang nang
makiusap ka sa akin. 33 Di ba dapat ay naawa ka rin sa iyong kasamahan
gaya ng pagkaawa ko sa iyo?’ 34 Galit na galit ang panginoon kaya ibinigay
niya ang kanyang utusan sa mga tagapagpahirap hanggang mabayaran nito ang
lahat ng utang.” 35 Idinagdag ni Jesus: “Ganito rin
ang gagawin sa inyo ng aking Ama sa Langit kung hindi patatawarin ng bawat isa
sa inyo mula sa puso ang kanyang kapatid.”
No comments:
Post a Comment