Please join My Reflections' Facebook Group

Wednesday, March 17, 2021

Ang Mabuting Balita para sa Marso 19 Sabado sa Ikaapat na Linggo ng Kuwaresma: Juan 7:40-53

 

Mabuting Balita: Juan 7:40-53
40 Sinabi ng ilang nakarinig kay Jesus, “Tunay ngang ito ang Propetang hinihintay natin!” 41“Siya na nga ang Cristo!” sabi naman ng iba. Ngunit mayroon namang sumagot, “Maaari bang magmula sa Galilea ang Cristo? 42Hindi ba sinasabi sa kasulatan na ang Cristo ay magmumula sa lipi ni David, at ipanganganak sa Bethlehem na bayan ni David?” 43Magkakaiba ang palagay ng mga tao tungkol sa kanya. 44Gusto ng ilan na dakpin siya, ngunit wala namang mangahas na humuli sa kanya.  

45Nang bumalik ang mga bantay ng Templo, tinanong sila ng mga punong pari at mga Pariseo, “Bakit hindi ninyo siya dinala rito?” 46Sumagot sila, “Wala pa po kaming narinig na nagsalita nang tulad niya!” 47“Pati ba kayo'y nalinlang na rin?” tanong ng mga Pariseo. 48“Mayroon bang pinuno o Pariseong naniniwala sa kanya? 49 Mga tao lamang na walang nalalaman sa Kautusan ang naniniwala sa kanya, kaya't sila'y mga sinumpa!”  

50 Isa sa mga naroon ay si Nicodemo, ang Pariseong nagsadya kay Jesus noong una. At siya'y nagtanong, 51“Hindi ba't labag sa ating Kautusan na hatulan ang isang tao nang di muna nililitis at inaalam kung ano ang kanyang ginawa?” 52 Sumagot sila, “Ikaw ba'y taga-Galilea rin? Saliksikin mo ang Kasulatan at makikita mong walang propetang magmumula sa Galilea.”  53Pagkatapos nito, umuwi na ang lahat. 

No comments:

Post a Comment