Please join My Reflections' Facebook Group

Monday, March 15, 2021

Ang Mabuting Balita para sa Marso 17 Miyerkules sa Ikaapat na Linggo ng Kuwaresma: Juan 5:17-30


Mabuting Balita: Juan 5:17-30
Sinabi ni Jesus sa mga Judio: “Gumagawa pa rin ang aking Ama kaya gumagawa rin ako.”  Kaya lalo pang hinangad ng mga Judio na patayin siya dahil dito sapag¬kat hindi lamang niya nilalabag ang Araw ng Pahinga kundi sariling Ama pa ang tawag niya sa Diyos, at ipinapantay niya ang sarili sa Diyos.

 Kaya sumagot si Jesus at sinabi sa kanila: “Talagang-talagang sinasabi ko sa inyo, hindi makagagawa ng anuman sa sariling kusa ang Anak maliban sa naki¬kita niyang gina¬gawa ng Ama. Anu¬man ang gawin niya, ganoon din ang pag¬gawa ng Anak. Sapagkat mahal ng Ama ang Anak, at itinuro niya sa kanya ang lahat niyang gina¬gawa. At mas maha¬laga pang mga gawa ang ituturo niya kayat mamamang¬ha kayo. 

Ibinabangon nga ng Ama ang mga patay at binibigyang-buhay; gayun¬din naman binibigyang-buhay ng Anak ang sinumang loobin niya. At hinding-hindi nga hinahatulan ng Ama ang sinuman kundi ibinigay niya sa Anak ang buong paghatol at pararangalan ng lahat ang Anak gaya ng pagpapara¬ngal nila sa Ama. Ang hindi nagpapara¬ngal sa Anak ay hindi nagpapa¬rangal sa Amang nagpa¬dala sa kanya. 

Talagang-talagang sinasabi ko sa inyo na may buhay magpakailanman ang nakikinig sa aking salita at nani¬niwala sa nagpadala sa akin. Nakatawid na siya mula sa kamatayan tungo sa buhay, at hindi siya humahantong sa paghu¬hukom. 

Talagang-talagang sinasabi ko sa inyo na dumarating na ang oras, at nga¬yon na nga, na maririnig ng mga patay ang tinig ng Anak ng Diyos at mabubuhay ang mga nakaririnig. 26 May Buhay ang Ama sa kanyang sarili, gayun¬din naman, ibinigay niya sa Anak na magkaroon ng buhay sa kan¬yang sarili. At ibinigay din niya sa kanya ang kapangyarihang maghu¬kom sapagkat anak siya ng tao. 

Huwag n’yo na itong pagtakhan: dumarating ang oras na maririnig ng lahat ng nasa libingan ang tinig niya at mag¬sisilabas sila: sa pag¬ba¬ngon sa buhay ang mga gumawa ng ma¬buti, at sa pagbangon naman sa kapahamakan ang mga gumawa ng masama.

Wala akong magagawa sa sariling kusa. Ayon sa naririnig ko ako naghu¬hukom. At matuwid ang paghuhukom ko dahil hindi sariling kalooban ang hangad ko kundi ang kalooban ng nagpadala sa akin. 

No comments:

Post a Comment