Please join My Reflections' Facebook Group

Monday, March 15, 2021

Ang Mabuting Balita para sa Marso 16 Martes sa Ikaapat na Linggo ng Kuwaresma: Juan 5:1-16


Mabuting Balita: Juan 5:1-16
1 Piyesta ng mga Judio at umahon pa-Jerusalem si Jesus. 2 May isang palan­guyan sa Jerusalem na Betzata ang tawag sa Hebreo, ma­lapit sa Pintuan ng mga Tupa. May limang pasilyo ito na may bubong. 3 Nakahandusay sa mga ito ang isang pulutong ng mga may­sakit, mga bulag, mga pilay at mga lumpo (habang naghi­hintay sa pagkilos ng tubig. 

4 Sa­pagkat pa­minsan-minsa’y bumababa sa pala­ngu­yan ang Anghel ng Panginoon at kinakalawkaw ang tubig. At umiigi sa anumang sakit ang unang makalusong matapos makalaw­kaw ang tubig.). 5 At doo’y may taong tatlumpu’t walong taon nang may sakit. 

6 Pagkakita ni Jesus dito na na­ka­han­dusay at pagkaalam niya na mata­gal na ito roon, sinabi niya sa kanya: “Gusto mo bang umigi?” 7 Sumagot sa kanya ang maysakit: “Wala po akong taong maka­paghahagis sa akin sa palanguyan kapag nakalawkaw na ang tubig. Habang paroon pa ako, may lumulusong nang una sa akin.” 

8 Sinabi sa kanya ni Jesus: “Buma­ngon ka, buhatin mo ang iyong higaan at maglakad-lakad!” 9 At dagling umigi ang tao, at binuhat niya ang kanyang higaan at naglakad-lakad. Araw nga ng Pahinga ang araw na iyon. 10 Kaya sinabi ng mga Judio sa taong pinaga­ling: “Araw ng Pahinga ngayon at di ipinahihintulot na mag­buhat ka ng higaan. 

11 Su­magot siya sa kanila: “Ang nag­paigi sa akin ang siyang nagsabi sa aking “Buhatin mo ang iyong higaan at lumakad ka.” 12 Tina­nong nila siya: “Sino ang taong nagsabi sa iyong ‘Magbu­hat at mag­lakad-lakad?” 13 Ngu­nit hindi alam ng pinagaling kung sino siya, sapagkat naka­talilis si Jesus dahil maraming tao sa lugar na iyon.  

14 Pagkatapos nito, natagpuan siya ni Jesus sa Templo at sinabi niya sa kanya: “Hayan, maigi ka na. Huwag ka nang mag­­kasala pa, at baka may masa­hol pang mangyari sa iyo.” 15 Uma­lis ang tao at sinabi sa mga Judio na si Jesus ang nagpaigi sa kanya. 16 Dahil dito, inusig ng mga Judio si Jesus sapagkat sa Araw ng Pahinga niya ginawa ang mga ito.

No comments:

Post a Comment